Mar Roxas, MRT? Di nga?
Yes, he does take the MRT.
I mean, bakit hindi, di ba. Doesn’t matter if he’s a multi-millionaire, or if he’s a senator. Walang kinikilala ang trapik– not unless willing kang mag-helicopter araw-araw galing Cubao papuntang Senado, sa CCP. Pero di naman ganu’n si Boss, e, wala siyang ganu’ng star complex. E kung ‘yung wang-wang nga ng sasakyan di niya ginagamit, e, di lagi– ‘yun pa kayang helicopter. (Ang totoo ewan ko nga kung may sarili siyang helicopter.)
Anyway, ayun. Nu’ng huwebes, ininterview siya para sa isang TV show, ‘yung Kapuso mo, Jessica Soho. Tungkol daw sa mga sikat na tao na nag-e-MRT ‘yung short feature. Naisip sa office okey rin kung i-document ko ‘yun, kaya pinasabit ako. Kung napanood ninyo nu’ng sabado ng gabi sa TV, ako ‘yung nakamaruming slacks at pawis na pawis na parang fanboy na kuha nang kuha ng litrato. (Minsan sa buhay ko lalabas din ako sa TV, ‘ka ko sa sarili ko, kaya ganu’n na lang ang pagpostura ko.)
So sumabit ako, at nakita kong mapawisan si Boss (actually pag siya ang kausap ko, Sir ang tawag ko sa kanya. Pero dahil tayu-tayo lang naman, para kyut, okey din ang “bossm” di ba,) nakita kong pumila, nakita kong mangulit ng isang matandang ale sa loob ng tren. Hindi rush hour nu’n, e– bandang 10 a.m.– kaya di masyadong siksikan. Pero p’re grabe solid di biro ang init nu’ng araw na ‘yun.
Ay, ako pala si Mikael, writer ako para sa staff ni Boss, at kung mapapansin ninyo, sinusulit ko na ang kalayaan kong magsalita dito dahil ipinangako sa aking hindi nila ieedit ang sasabihin ko. Siyempre bawal ang balbal, ang taglish, at ang ganitong karaming parenthetical remarks kapag nagsusulat ako ng mga isinusulat ko para sa opisina. Pag nasermonan ako at nasisante dahil sa kabalbalang isinusulat ko rito, magawa sana ninyong pagtawanan pa ako. Seryoso ako sa totoong buhay, puwera biro.
So ayun nga. Marami sa tropa ako ang di naniwala sa text ko nu’ng Sabado– “oy pre nood kang jsca soho sa 7, feature kay SMAR sumakay MRT.” Napuno ang inbox ko ng “di nga” at “weeeeeh.” Pero ang totoo– at isa ito sa mga natutunan ko kay Boss sa sasandaling panahon ko pa lang sa office– astig siya sa ganu’ng paraan. (At dahil nababasa niya ito, at ng marami pang ibang boss ko, sige na nga, sa marami pang ibang paraan.) Di siya takot mapawisan, p’re, o marumihan ang kuko. Siyempre aware naman ako, at kami sa office, na ‘yun ang impression sa kanya ng mga tao.
Minsan nga, sa mga inuman, di ko maiwasang ipagtanggol (in a passionate manner, if I might add,) si Boss dahil nga raw, ayun, alta-sociedad ang dating, parang walang konek sa simpleng tao. Olat ‘yung ganu’n, p’re, e, kasi di naman nila nakikitang mapawisan sa MRT ‘yung tao, di nakitang pumiyok sa office kapag pinag-uusapan ‘yung puwedeng magawa para iahon itong bansa natin. I mean, di ba, isipin mo: walang camera ito, walang ibang tao– panay mga adviser niya at ilang staff– walang plastikan, willing siyang magpakita ng ganu’ng emosyon. Di mo maipapaliwanag p’re, pero mararamdaman mo na lang na totoo. Alaws siyang ere, sa totoo lang.
Pero kumokorni na ito dahil ang dating yata e may man-crush ako sa Boss ko. Hindi, a; macho ako, may beer belly lang. At di naman ako sumisipsip, di ako ganu’ng klaseng tao. Kung ayaw mong maniwala, ang masasabi ko lang e makikilala pa ninyo ako– at si Boss– sa blog na ito, at pangako, may mga ikagugulat kayo, at ikatutuwa, at ikakukuyom ng puso, paminsan-minsan, kahit paano. Siguro sa mga susunod na entry susubukin ko nang maging mas seryoso.
Ingat palagi at rakenrol,
Kael











napanood ko yung episode na yun.
at sobrang humanga ako kay senator!
i mean..why not nga naman diba?e sa states at japan naman nagtrain naman
talaga ang mga tao. kahit si donald trump ay nagtetrain minsan.
kung yun ang kailangan para makatipid, why not?!:)
nainspire din ako ni senator. dati kasi ako yung tipong…magtataxi mula
qc hanggang makati or magdadala pa ng kotse para lang pumunta sa grocery.
pero narealize ko na pwede namang hindi. kung and senador nga nagMRT…
ako pang ordinaryong tao.
saludo ako kay senator mar!:)
pwedeng publicity stunt din to para sa presidential race sa 2010. we’ll never know. i don’t know who will believe. hay. this is the philippines.
hay, masyado na ako nalilito sa mga nangyayari but i guess iba nga talaga si Sen. Mar Roxas, at kung kakayanin magtipid magtipid,
on the other hand, it’s a good example. MPs in the UK go to parliament on bicycles.
i’m planning to find out which 2010 candidates tend to use gas-guzzlers, and strike them off my list.
You’re the best Sen. mar Roxas!
di sya publicity stunt, as ive said he acts not for a show. dati nya ng ginagawa yan, nasa pinas p ko nun. practical naman kasi dahil nasa edsa rin ang destination at pt of origin nya. at d sya rush hour bumbyahe. ingat na lang po kayo pag bandang 6 to 8am at oras ng uwian haha. naalala ko pa kung pano ko prang sardinas n nkikipagsiksikan jan. buti dito s korea dami tren hehe…
PS. mahirap din sya dati. that’s what inspires me. and not others who are successful in life kasi pinanganak sa mayamang pamilya. which i never had
mahirap dati? di po ba Araneta c Mar Roxas? afaik >.<
It might be a publicity stunt but I guess Sen Mar Roxas deserved to be commended for the act. Bihira kang makakita ng ganyang tao who would try what the masa would do. Saludo ako Senator!
sayang di ko napanood yung episode na yon busy kc sa trabaho hanep maging nanay noh kainis di ko na nga maasikaso ang sarili ko eh……actually bilib talaga ako kay senator mar roxas he works in a silent way hindi cia super ipinangangalandakan ang nagagawa niya para sa bansa….kaya fan niya ko and kasama sa mga advocasy niya nakikiisa ako sa kanya…go sen.
oldest trick in the book, bukas makalawa may makikita kayong politiko na namamalengke or kumakain na kasama ang mahihirap or mga politiko magpupunta sa mga squatters area.
kung talagang seryoso ang mga pulitiko sa pinas, isuko nila ng pork barrel. mas hahangaan ko ang mga politiko natin kung may magagawa silang kapaki-pakinabang talaga at hindi yung puro pa-pogi points!
pare-pareho lang naman ang mga pulitiko eh, asahan mong lalabas sa mga lungga nila yan at makikihalubilo sa mga mahihirap “kuno” pag mapalit na ang eleksyon.
whatever his purpose . . . saludo ako sa kanya . . . hindi lahat ng taong may kaya at may position sa gobyerno ay kayang sumakay ng tren . . . takot lang nila . . . i hope you know guys what im trying to say . . . naging praktikal lang si Sen. Roxas at sana tularan sya ng ibang empleyado ng gobyerno.
si mr pulitiko sumakay sa bus, sa tren, naglakad mag-isa sa kalye at walang bodyguard.. yehey! saludo ako sa kanya, iboboto ko sya!. geeezz…
wala na talagang pag-babago ang mentalidad ng pinoy. not because you see these polticians mingling with the crowd or use the “common” crowd facility merits his doing and votes for him.
magbago naman na tayo, ang tignan natin sa politiko ay yung mga nagawa sa bayan at hindi yung kung ano ang ginagawa nyang personal para makita lang ng taong bayan, it is not how they intereact with us but it is what they have done to us and to the country. i would rather choose a politician who does not interact with me or does not know me but have done a lot to uplift the condition of the country. aanhin ko ang pulitiko na masyadong expose at puro salita kung ni isang bagay na makakapagpabuti ng lagay ng bansa ay hindi magawa.
kaya’t hindi umaasenso ang pilipinas dahil sa mga taong may nakitang kaunting pakikihalubilo sa publiko ng pulitiko ay iboboto na, ilang politiko na ba ang nakamayan mo during election? kilala ka pa kaya nila once na manalo na sila?
kayanin kaya ni mr. palengke na sumalungat sa gusto ng religious group? ang maging pro family planning? lumolobo ang population ng pinas at kailangan talagang kontrolin ang population otherwise sa liit ng GDP natin at sa dami ng population, hindi makaka-angat ang pinas sa ganitong sitwasyon. kayanin kaya ni mr. palengke ang suplahin ang simbahan at sabihin sa kanila na ang church and state must be separated?
pare-pareho lang naman ang mga pulitiko, takot sa simbahan dahil kaya silang pataubin ng simbahan pag-dating ng botohan!. the funny thing is.. 98% of the politicians become so religious pag-malapit na ang election..
nice points, juandelacruz. nakita ko na ring sinabi ‘yan sa ibang comments, sa ibang post tungkol dito– meron din si carlo sa personal blog niya (sa http://www.carloople.com). agree ako sa lahat ng sinabi mo, and i do understand the disenchantment, where you’re coming from, the skepticism.
gusto ko sanang sagutin ka ng isang matinding “why so serious,” ‘ika nga ni joker. pero talaga, p’re naiintindihan kita, kaya hindi makatarungang maliitin ko at gawing biro ang panangis mo. ang masasabi ko lang siguro e ‘yung lagi kong sinasabi sa mga tinututoran ko ng philosophy dati: isa sa mga dahilan kung bakit natin natatawag na “tao” ang sarili natin e dahil sa kakayanan nating umasa. hope, pare, sabi ni gabriel marcel. kung hindi na natin kayang umasa, kung hindi na natin kayang sabihin na putcha sa kabila ng lahat, meron tayong hindi alam, at sa loob nu’ng di natin alam na ‘yun e may posibilidad ng pag-ahon, ng katarungan, ng tama, ng *mabuti*– kung di natin kayang umasa, tinalikuran na natin ang pagkatao natin.
may mali sa sistema, oo. maling umiiyak ‘yung pinsan ko sa may kalan dahil wala siyang pambili ng sapatos ng anak niya, maling ibinenta na ng lolo ko ‘yung kapirasong lupa sa nueva ecija dahil di na siya makabili ng binhi ng palay, mali na ‘yung kapitbahay kong si botchok e nagrereklamong sa araw-araw na ginawa ng diyos e itlog ang iniuulam nila. pero ang pinakamalaking mali ng sistema e ‘yung ninanakaw niya sa atin ‘yung kapasidad na umasa, ‘yung kapasidad na maniwala, kahit sa ganitong maliliit na katotohanan.
sa akin, p’re, ‘yun ang mas malalim na kamalian, e. at mas malalim– mas pundamental, mas matapang, mas pangunahin– na pag-aaklas ‘yung pagsasabi natin na “tangina mo, world, hindi mo kayang nakawin sa akin ang pagkatao ko. aasa pa rin ako. maniniwala pa rin ako.”
i apologize in advance if that sounds a tad too idealistic, or a tad too platitudinous. for all we know, i might not be believing in the right things, or in the right person. may kani-kaniya tayong paraan ng paniniwala. ang masasabi ko lang e kailangan nating lagpasan ang pagkadisilusyon at hanapin ‘yung paraan na ‘yun. kahit ano ‘yun. kailangan nating itakwil ‘yung sistema na nagnanakaw ng pag-asa sa atin. sabi nga sa v for vendetta, kailangan nating hanapin ‘yung isang pulgada na paniniwalaan natin, at kailangan nating hawakan ‘yung isang pulgada ng paniniwala na ‘yun, na para bang du’n nakasalalay ang buhay natin. dahil du’n naman talaga.
saludo ako dito sa move na ito sir…
kasi nga naman..kung tumataas ang presyo ng diesel at gasolina e dapat magbawas ng spending ang governemnt diba dahil sa taxes nanggagaling yung pang gastos..kaso yung iba e sandamukal pa rin ang kasamang hagad at bodyguard..puro gasguzzlers pa ang sasakyan..tapos akala mo hari ng kalsada na kelangan e tumabi kayong lahat pagdadaan sila…
imagine yung gastos ng lahat ng gasolina nung sasakyan..atsaka bakit kelangan na malalaking sasakyan pa na puro malakas kumonsumo ng gasolina ang gamit..at bakit andaming bodyguards? e di anlaki ng gastos sa sweldo? baka iniisip na may aambush? hmmm ..di ka naman siguro aambushin kung wala kang ginagawang masama…
sana lang mag set ng example ang lahat na kung kailangan magbawas ng expenditures ay magsimula sila..isntead of 5 or 7 ford expedition or what have you and 4 motorcycled police…switch to 2 fx or revos for the bodyguard and 2 motorcycled policemen kung kinakailangan…kung hindi naman e…isang sasakyan lang at lowprofile ang kailangan para hindi mapansin ng tao hindi ba?
Maganda ang pagkasabi mo Sir Kael. Nung nabasa ko ito, bahagyang naramdaman ko ulit na siguro nga may pag asa pa.
Ang tanong ko lang, hanggang kailan tayo mag-aantay, hanggang kailan tayo aasa? sa inaraw-araw na lang puro kagaguhan at kabulastugan ang nababasa, naririnig at napapanuod mo sa nangyayari sa Pilipinas.
Sa totoo lang, wala na akong tiwala, ke politiko, mangagawa sa gobyerno o media man. Sa tingin ng normal na tao katulad ko, lahat ng tao kasama ang prinsipyo ngayon ay nabibili.
Ang problema nito, pinapatay ng kawalan ng tiwala ang pag-asa, yung pag-asa na binabanggit mo. Wala ng magawa kung hindi sumabay sa agos ng sistemang bulok, kung hindi man, maiiwan kang tirik ang mata, gaano man kasakit tanggapin pero ito ang totoo.
Ang sabi nila, kailangan magsimula sa maliit ang pagbabago. ang problema, itong maliit na to, ni hindi kayang maging malaki dahil nga kakainin at kakainin pa rin ng sistema na and dambuhala talaga ang nagpapatakbo. Anong magagawa ng maliit? Pano pa nila pagtitiwalaan ang mga nasa taas kung sila rin ang tumutulak pababa.
Siguro kung maibabalik yung tiwala namin, malaki ang mababago, mas lalaki pa yung pag-asa na baka nga, talagang magbago. Itong pagsakay sa MRT ni Sir Mar, maganda, suportado ng media at ng masa, ehemplo para sa mga buwayang walang pakialam talaga sa nilalamon nila. Kung pinagkakatiwalaan ko to? Iyun ang tanong. Sayang, kung di ko sana nakitang itinaas ng isa pang magnanakaw ang kamay niya nung nakaraang kampanya, baka nakuha na niya ang tiwala ko kaagad.
Kalawang na ang nangyayari sa Pilipinas, unti-unting kinakain at pinapatay yung natitirang pag-asa pa na sinasabi mo. Pero gaya rin nga ng sabi mo, hanggat meron pa, kailangan hawakan at ipaglaban, yun nga lang lahat talaga ng bagay may expiry date. Hanggang kailan, yun ang di ko alam.
Kung maibabalik nya ang tiwala namin at maayos nya ng kahit kaunti man lang ang sistema, saludo na ko. At baka pwede na kami ulit makita yung “hope” na ang turing lang namin ngayon ay sigarilyo ng karpintero.
there is hope. the hope is in you. ika nga ni arwen sa lord of the rings. mukhang pareho tayo mahilig sa movies pero di ako mahilig sa artista ha? like most people, i hope di ito publicity stunt ng mga kakandidato sa 2010. promise, di ko pa sya nakakasabay. pareho kasi yung point of origin namin which is cubao. taga marikina kasi ako at may terminal ng fx sa mismong terminal ng mrt sa araneta center. frequent rider kasi ko ng mga trains, in fact i i buy stored values card in all the lines. i hate queuing kasi. also, mas matipid. may bonus ride pa na kahit piso nalang, ride ka end to end. o see, pang ayuda din ito sa ini endorse ni mr palengke na detergent brand. pero tama naman ang mama sa mensahe nya sa patalastas na iyon. napatingkad nito yun stand against false economics. kala kasi ng karaniwan tao e nakakatipid sila sa mga sulit packs. pero sana makaisip etong mga manufacturers ng environmental friendly packaging. kasi lahat yata ngayon nasa sachet na.
mabalik ako sa topic, maganda iyan na malaman ng mga tao ang benepisyo ng pagsakay sa mrt. sa panahon na global itong oil crisis dapat lahat ng pilipino ay nag iisip ng paraan para makatipid. mainam itong ginagawa niya kasi nakikita ng mga karaniwang commuter ang advantage nito vs common mode of public transport. less pollution, faster time travel, and economical in the long run and most of all e safe kasi walang holdap.
kaya pag naupo sya bilang pangulo, sana dumami ang mga linya ng mrt, lrt pero sana wag sya mgpapalagay ng tarpaulin na puro mukha nya.
ipadama na lang nya ang kaunlaran!
badboyroy: ‘yun ‘yun, e. ‘yun ‘yun. ang tanging disagreement ko lang sa sinabi mo e ‘yung paggamit mo ng panghalip na “namin” dahil hindi naman ako kaiba sa inyo. pare-pareho lang naman tayong kumakayod dito, p’re, hehe.
siguro, dahil nga hindi naman campaign blog ito, hindi ko kailangan (at di dapat) igiit na astig si boss, may integridad siya, blahblahblah. ‘yung sinasabi mong tiwala? tingin ko, hindi talaga maibabalik nang biglaan ‘yun. nandiyan sina among ed, sina jesse robredo, sina grace padaca– baka sila, baka ‘yung mga naratibo nila kahit papaano matanglawan tayo sa kung paanong magtitiwala ulit. ang pinakapinupunto ko lang siguro du’n sa comment: it doesn’t matter kung sino ang pinaniniwalaan natin. as long as bukas tayo sa posibilidad na oo, baka puwede pa ngang umasa, baka puwede pang maniwala. p’re, sabi ko nga, hanapin lang natin ‘yung pulgada natin. astig na ‘yun.
alam mo ‘yung pinakanakalulungkot na marinig mula sa, kunwari, taxi driver, kapag ginagabi ako sa inuman at napipilitan nang magtaxi dahil delikadong mag-jeep pauwi sa amin nang dis-oras ng gabi? (talk about long-winded, digressive sentences.) anyway, nakakalungkot pag humirit na sila ng “e, pare-pareho lang naman ang mga hinayupak na pulitikong ‘yan.” mapapatingin ka talaga sa bintana pag ganu’n, p’re. ang lungkot nu’n.
i mean, tao ‘yan, e! putcha infinite ang possibilities niyan, kung sino siya, kung anong klaseng tao siya. kailangan nating irespeto ang sangkatauhan, kahit kaunti lang, kailangan nating ibigay sa sangkatauhan ‘yung pagkakataong i-redeem ang sarili niya. dahil kung ikaw at ako nga, e, kayang (o pinipilit na) maging mabuti, e. baka may pulitikong ganu’n din.
Pag-asa??? marami tayo nyan, maski ako marami ako nyan, hindi ako nawawalan ng pag-asa, pero sinisiguro ko sa inyo na unti-unting nawawala ang kinang ng pag-asa ko sa bawat araw na nag-dadaan at walang nakikita sa pag-babago ng pilipinas.
bata pa ang ama ko ay puro hirap na ang dinanadas nya at naisalin na sa amin ang pag-hihirap pero hindi sya nawawalang ng pagasa na gaganda ang takbo ng pilipinas, tumanda na ako at namatay na ang ama ko, pero ganon pa rin, unti-unti ko na ring isinasalin sa mga anak ko ang paghihirap na minana ko pa sa ama ko, lumaki na ang mga anak ko at malapit na rin akong mamahinga pero ganon pa rin, hindi bat yung maliit na pag-asa ang dahilan kung bakit nakaupo si gloria ngayon? natatandaan mo ba ang puro kagaguhan ang mga pinag-gagawa ni estrada at sa maliit na pag-asa na nakita natin kay gloria na baka sakaling mabago ang takbo ng pinas ay sinuportahan at ibinoto sya? pero anong nangyari? ganon din ang nangyari ng si marcos ang nakaupo, nakita natin ang pag-asa kay cory, at ganon din ang nakita natin kay ramos, ilang presidente na ba ang dumaan sa buhay mo? nag-improve ba ang kalagayan ng pilipinas?
Maging realistiko tayo sa buhay, sa bawat palpak na pulitiko na hahawak sa gobyerno natin, lagi tayong may nakikitang isang maliit na pag-asa sa katauhan ng isang bago at batang pulitiko, duon natin nakikita ang pag-asang mabago ang takbo ng pilipinas, pero darating ang panahon at mawawala ang rin ang pag-asang iyon. dahil si bata at bagong pulitiko ay magiging isang halimaw ng sambayanan. sana ay mali ako sa mga sinabi kong ito.
sino ba talaga ang dapat sisihin? ikaw? ako? sila? tayo?, hindi ko masasabi, ang alam ko ay habang nag-papauto ang isang pilipino sa isang pulitiko kada darating ang halalan, habang ginagamit ng isang pulitiko ang kabobohan ng isang pilipino, habang nakukutento ang isang pilipino sa isang kilong bigas na ipinamumudmod ni pulitiko kada darating ang halalan, habang ibinoto ng isang pilipino ang pulitikong nakikibalubilo sa taong-bayan kada darating ang halalan, habang nakakatangap ng 100 piso ang pilipino pang-tawid gutom mula sa isang pulitiko, HINDI na MABABAGO ang TAKBO ng PILIPINAS. ngayon sabihin mo sa akin, kaya mo bang baguhin ang ugali ng 80 milyong pilipino? ngayon mo sabihin sa akin kung nasaan ang pag-asang sinasabi mo?
skeptic ba ako? ang sagot ko ay HINDI, realistic ba akong tao? ang sagot ay OO, ang isang pag-asang nakiktia ko ay hindi makikita sa isang pulitiko KUNDI makikita sa taong bayan, hanggat hindi nag-babago ang mababaw na kaligayahan ng pilipino na umangat ang kani-kanilang buhay ay wala akong nakikitang pag-asa!
Okay ang ginagawa niya. Ang puna ko lang, bakit kinakailangan magdala ng camera man at crew? Hindi ba sapat na makita ng taong - bayan ang isang opisyal na nakikihalubilo sa kanila? Bakit kailangan pa ng pablisidad?
Pero ika nga, two sides to a coin. Maaaring mabuti ang hangarin ng senador, ngunit mayroon din siyang mga nakatagong pakay ( underlying motive) para gawin ito.
Kilatisin natin mabuti.
AMDG
@Mikey 0.
Sagot sa tanong mo? kung bakit kailangan pa ng camera man at crew? kung halimbawa mang walang camera, mangilan-ngilang tao lang ang makakakita sa kanya at ang makaka-appreciate sa ginagawa nya, kailangan ay maipakita nya sa buong bansa na ginagawa niya ang pag-sakay ng MRT para malaki ang maging impact nito sa tao pag darating na ang election.
Load of BS. I’m a fresh grad from DLSU and take the MRT every single schoolday [working day to most of you] and not once have I ever seen Mar Roxas [parehas oras mga 9-10am ako nakasakay from Qave to taft then i take the LRT to Vito Cruz].
For obvious reasons pag may kilalang tao dun dinudumog ng tao. I’ve seen gloria [when she presented some new trains and yung plan for LRT2] even some media personalities from both ABS and GMA and even ribbon cuttings for newly painted ‘ads’ trains pero never ever Mar Roxas.
I do support what Mar is doing lalo na sa campaign nya sa EVAT and his blog right here [if its real since he's never responded to any comments whatsoever in all his posts]. Honestly siya nga boboto ko for president this 2010 unless kiko pangilinan runs. Pero seriously, please dont make shit up just to appeal to the masses.